Kelot sinaksak ng live-in partner
- BULGAR
- Feb 16, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 16, 2023
RIZAL—Isang binata ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang live-in partner kamakalawa sa Bgy. Dela Cruz, Antipolo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa likod na si Rodjie Cipriano, samantalang ang suspek ay live-in partner nito na si Melody Malababan, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-live-in partner na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Agad dinala ng mga saksi si Cipriano sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot.
Mabilis namang naaresto ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong attempted homicide.



Comments