top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kelot, sinaksak ng lasing

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2021


AKLAN--Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng kanyang lasing na kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Guinbaliwan, New Washington.


Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng saksak sa katawan na si Benjie Cipriano, 41-anyos, samantalang ang suspek ay si Joel Macabate, 58-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakahiga umano si Cipriano sa duyan sa labas ng kanilang bahay nang dumaan ang suspek na lasing sa alak at sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong sinaksak ang biktima.


Nabatid na matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng rumespondeng pulisya.


Dinala naman agad ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page