top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kelot sinaksak ng laborer

  • BULGAR
  • Dec 6, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 6, 2022


ALBAY—Isang binata ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng laborer kamakalawa sa Bgy. San Ramon, Rapu-Rapu.


Ang biktima ay nakilalang si Orly Vibal, 31-anyos, samantalang ang suspek ay nakilala lang sa alyas na Junior, nasa hustong gulang at laborer sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para maglabas ng patalim at pagsasaksakin ng suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.


Kaagad dinala ng mga saksi si Vibal sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek upang sampahan ng kasong frustrated murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page