Kelot, sinaksak ng kapitbahay
- BULGAR
- Sep 20, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 20, 2023
ILOILO -- Isang 25-anyos na lalaki ang sugatan nang saksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Veterans Village, Iloilo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa likod na si Ernie Arceo, samantalang ang suspek ay si Ace Deslate, 29, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Deslate at Arceo na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek, pero nadakip siya sa follow-up operations ng mga awtoridad.
Agad namang dinala ng mga saksi si Arceo sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan.



Comments