top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kelot, sinaksak ng kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 27, 2021



AKLAN--Isang 18-anyos na binata ang sugatan nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Candelaria, New Washington.


Ang biktima ay nakilalang si Rhem Sugcang, samantalang ang suspek ay si Anfernie de Luna, 21-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nag-iinuman sina Sugcang at De Luna nang magkaroon ng pagtatalo na humantong para maglabas ng patalim at saksakin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi si Sugcang sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page