top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot sinaksak ng amok

BULGAR
Oct 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 20, 2022


AKLAN—Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng lasing na nag-aamok kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na nagtamo ng saksak sa katawan.


Ayon sa ulat, naglalakad umano ang biktima ng makita nito ang lasing na suspek na si Jomar Calixto, nasa hustong gulang, na nagwawala habang may hawak na patalim sa nasabing barangay.


Sinabi ng mga saksi na imbes na matakot ay pinanood pa ng biktima ang pagwawala ni Calixto at dahil dito ay nilapitan at sinaksak siya ng suspek.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at ginagamot na ito sa pagamutan, samantalang agad namang nadakip ng mga rumespondeng pulisya ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page