Kelot putol ang kamay sa taga ng lasing
- BULGAR
- Jan 10, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 10, 2021
Cagayan—Isang lalaki ang naputulan ng kamay nang tagain ng kanyang lasing na kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Culung, Tuao.
Ang biktima ay nakkilalang si Vic Dumlao, 44-anyos, samantalang ang suspek ay si Calixto Dumpao, 46-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dahil sa labis na kalasingan ay nagwala umano si Dumpao na armado ng itak, at nang makita si Dumlao ay agad niya itong tinaga na tinamaan sa kaliwang kamay na ikinaputol nito.
Agad namang rumesponde ang pulisya at inaresto ang suspek.
Nakapiit na si Dumpao na nahaharap sa kasong attempted homicide, samantalang ginagamot na sa ospital ang biktima.



Comments