top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kelot, pinatay sa loob ng bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 30, 2021



AKLAN—Patay ang isang lalaki nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Calizo, Balete.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Raphael Bautista, 59-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na nagpapahinga umano si Bautista sa loob ng kanilang bahay nang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page