Kelot, pinatay sa harap ng bahay

@Balitang Probinsiya | November 24, 2020
CAGAYAN—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa harap ng kanyang bahay sa Bgy. San Gabriel, Tuguegarao City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Meliton Collado, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nakatayo si Collado sa harap ng kanyang bahay ay biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril sa biktima.
Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.



Comments