Kelot, pinatay ng lolo
@Balitang Probinsiya | June 20, 2023
ISABELA -- Isang 43-anyos na lalaki ang namatay nang barilin ng isang lolo kamakalawa sa Bgy. Camarag, San Isidro sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richie Ancheta, habang ang suspek ay si Apolonio Sicam, 64, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaya binaril ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa tinamong isang tama ng bala sa katawan.
Nadakip na ng pulisya ang suspek at sinampahan ito ng kasong murder at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments