Kelot, patay sa tubig-baha

@Balitang Probinsiya | October 21, 2020
NORTH COTABATO—Isang hindi kilalang lalaki ang namatay nang malunod sa tubig-baha kamakalawa sa Bgy. Bulatukan, Makilala.
Ang biktima ay kinikilala pa ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, sa lakas ng ulan ay bigla umanong rumagasa ang tubig-baha na nagmula sa umapaw na ilog sa nabanggit na barangay at tinangay ng tubig ang biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero hindi na nila nakita ang biktima na nalunod sa tubig-baha.
Makalipas ang ilang oras nang humupa ang baha ay dito na natagpuan ang bangkay ng biktima.



Comments