top of page
Pokwang.jpg

Kelot, niratrat sa waiting shed

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 26, 2020



NORTH COTABATO—Isang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa waiting shed ng national highway ng bayan ng Makilala.


Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Butsoy Nioda, residente ng Bgy. Saguing sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat ng pulisya, habang nakatayo umano si Nioda sa waiting shed at naghihintay ng masasakyang pampasaherong jeep sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na si Nioda ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page