Kelot niratrat ng mga armado
@Balitang Probinsiya | May 11, 2023
QUEZON—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng mga armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Isabang, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Dennis Amat, 48, residente ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Amat nang harangin ito ng mga hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Amat.



Comments