top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kelot niratrat

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 2, 2023


COTABATO CITY—Isang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Tamontaka Mother sa lungsod na ito.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Harris Abdul, 42-anyos, at residente ng naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nakatayo si Abdul sa harap ng bahay ng kanyang tiyahin ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page