top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kelot, natagpuang patay sa tabi ng puno

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 29, 2021



CAPIZ—Natagpuang patay ang isang binata sa tabi ng isang puno kamakalawa sa Bgy. Badiangon, President Roxas.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rosendo Bance, 48-anyos at nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, mga kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa bangkay nito sa tabi ng puno ng niyog.


Nabatid na agad ini-report ng mga pamilya ni Bance sa pulisya ang natagpuan nilang bangkay ng biktima.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong umakyat sa puno ng niyog si Bance at nahulog ito kaya namatay ang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page