top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot, natagpuang patay sa gilid ng ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 16, 2023



NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 31-anyos na lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa gilid ng ilog na sakop ng Bgy. Bacuyangan, Hinoba-an sa lalawigang ito.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jerry del Carmen, 28, nakatira sa nabanggit na bayan.

Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima na may mga tama ng taga sa katawan sa naturang lugar.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan upang madakip ang salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page