top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kelot, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 28, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 26-anyos na binata ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. San Jose, Sipalay City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Kemark Villanueva, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, ilang residente ang nag-report patungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.


Nabatid na huling nakitang buhay umano si Villanueva habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page