top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kelot, nalunod sa palaisdaan, tigok

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 2, 2023


IFUGAO -- Isang lalaki ang namatay nang malunod habang nangingisda sa isang palaisdaan sa bayan ng Hingyon sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jay-ar Butal, 35, nakatira sa Bgy. Nun-olpad, Namulditan sa nasabing lalawigan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa palaisdaan.


Huli umanong nakitang buhay si Butal habang patungo sa palaisdaan para manghuli ng isda.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pagkalunod ang ikinamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page