Kelot, nalunod sa ilog

@Balitang Probinsiya | March 11, 2021
AKLAN—Patay ang 38-anyos na lalaki nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Poblacion, Kalibo.
Ang biktima ay nakilalang si Michael Macahilig, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagtungo si Macahilig, kasama ang kanyang mga kaibigan na naligo sa ilog hanggang sa napagawi ang biktima sa malalim na bahagi ng tubig dahilan kaya ito nalunod.
Nabatid na tinangka ng kanyang mga kaibigan na saklolohan si Macahilig, pero tinangay na ito ng agos ng ilog.
Kaagad rumesponde ang rescue team ng nasabing bayan, pero makalipas ang ilang oras na paghahanap ay bangkay na nang matagpuan sa ilog ang biktima.



Comments