Kelot nakuryente, utas
@Balitang Probinsiya | August 30, 2023
BATANGAS -- Isang 21-anyos na binata ang namatay nang makuryente sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Calamias, Lipa City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romeo Reyes, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang may ginagawa sa pinto ng kanilang bahay si Reyes ay napahawak ito sa isang live wire.
Napag-alaman na dahil sa lakas ng boltaheng tumama kay Reyes ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa buong katawan.
Agad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Reyes sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments