Kelot nakuryente sa bahay
@Balitang Probinsiya | November 10, 2022
ALBAY—Patay ang 53-anyos na lalaki nang makuryente kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Lacag, Daraga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodolfo Nares, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, narinig ng mga kapitbahay ni Nares ang malakas na sigaw ni Nares at kasunod ang pag-usok sa loob ng bahay nito.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dito na nila dinatnan ang biktima na nakahiga sa sahig at wala nang buhay.
Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad ay nalaman na napahawak sa live wire si Nares kaya nakuryente ang biktima sa loob ng kanyang bahay na sanhi ng kanyang kamatayan.



Comments