Kelot, nagbigti sa banyo
- BULGAR
- Mar 28, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 28, 2021
CAPIZ—Isang lalaki ang nagbigti kamakalawa sa loob ng banyo sa kanilang bahay sa Bgy. Ameligan, Pontevedra.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Nabatid na mismong ang ina ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng banyo ng kanilang tahanan.
Ayon sa mga kamag-anak ng biktima ay wala silang alam na dahilan para ito ay magpakamatay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.



Comments