top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot, nagbigti sa bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 25, 2020



Camarines Sur—Isang binata ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Mabolo, Naga City.

Ang biktima ay nakilala lang sa alyas na Jay, residente sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, isang residente ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.

Napag-alamang walang kasama sa bahay ang biktima nang isagawa nito ang pagpapakamatay.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page