Kelot, nag-swimming sa dagat, nalunod
- BULGAR
- Aug 1, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 1, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 26-anyos na lalaki ang namatay nang malunod kamakalawa habang naliligo sa dagat na sakop ng Bgy. Aguisan, Himamaylan City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Joven Buenaflor, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na naligo si Buenaflor, kasama ang kanyang mga kaibigan sa dagat sa naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.
Napag-alaman na mabilis na sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa dagat.
Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng dagat ang biktima na agad dinala sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments