Kelot na umawat sa away, tinaga
@Balitang Probinsiya | November 3, 2021
AKLAN—Sugatan ang 44-anyos na lalaki na umawat sa away nang tagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Aranas, Balete.
Ang biktima na nagtamo ng taga sa katawan ay nakilalang si Jolito Nerbiol, samantalang ang suspek ay si Kian Gabino, 18-anyos at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakaaway ni Gabino ang isang nagngangalang Norberto Vacnot kaya kumuha ng itak ang suspek at nang akma na niyang tatagain ang nakaalitan ay agad siyang inawat ni Nerbiol.
Hindi nagustuhan ni Gabino ang pag-awat sa kanya kaya ang napagbalingan nitong tagain ay si Nerbiol.
Kaagad nadakip ng mga nagrespondeng pulisya si Gabino, samantalang ginagamot na sa ospital ang biktima.



Comments