Kelot na pumatay sa lola, arestado
@Balitang Probinsiya | December 5, 2022
QUEZON—Isang 44-anyos na lalaki na pumatay sa isang 63-anyos na lola ang nadakip kamakalawa sa Bgy. Binahan, Pagbilao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jerry Abad, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, si Abad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa biktimang si Nilda Villegas noong Nobyembre 25, 2022 dahil ang bangkay ng lola ay natagpuan sa likod ng bahay ng salarin.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek at hindi na siya nanlaban nang arestuhin siya sa nasabing barangay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder.



Comments