Kelot na nanghalay sa bata, arestado
@Balitang Probinsiya | Oct 20, 2021
ALBAY--Isang lalaking nanghalay sa batang babae ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Binitayan, Legazpi City.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Nabatid na ang suspek ay inaresto ng pulisya dahil sa ginawa nitong panghahalay sa batang babae sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nabanggit na barangay.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments