Kelot na nalunod, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | November 5, 2021
AKLAN--Natagpuang patay ang isang lalaki nang nalunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy, Tinigao, Kalibo.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Whizly Francisco, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, tumatawid sa ilog si Francisco noong October 31, 2021 nang biglang rumagasa ang tubig kaya tinangay at nalunod ang biktima.
Nabatid na ilang residente ang mabilis na sumaklolo, pero hindi agad nakita ang biktima.
Napag-alamang makalipas ang tatlong araw na paghahanap ay natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima na nakalutang na sa ilog.



Comments