top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kelot na nagsaksak sa sarili, dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 07, 2021


CAMARINES SUR—Isang hindi kilalang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagsaksak sa sarili kamakalawa sa Bgy. Dayangdang, Naga City.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na nasa hustong gulang.


Ayon sa ulat, nagtungo sa palengke ang biktima at nang makita ang patalim na gamit ng nagtitinda ng karne ng baboy ay bigla niya ito kinuha at saka tumakbo.


Nabatid na hinabol ito ng meat vendor, pero nang malapit nang abutan ay biglang isinaksak ng biktima ang patalim sa kanyang sarili kaya ito namatay.


Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page