top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kelot na nagpaputok ng baril, timbog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 11, 2020



BATANGAS—Isang lalaki na nagpaputok ng baril ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Teodoro, Bauan.


Ang suspek ay kinilalang si Josefino Gabriel, residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nag-report sa pulisya na nagpapaputok umano ng kanyang baril si Gabriel kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at inaalam ngayon ng pulisya ang sanhi ng pagpapaputok nito ng baril.


Nakakumpiska ang pulisya ng .45 pistola at mga bala sa pag-iingat ng suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page