Kelot na may kasong murder, nasakote
@Balitang Probinsiya | May 10, 2023
ILOILO—Isang lalaking may kasong murder ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Jamabalud, Pototan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Leo Sapelino, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong pagpatay sa isang nagngangalang Danny Asuelo nuong May 17, 2022.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na umuwi sa kanilang bahay si Sapelino kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dito dinakip ang suspek.
Kusang sumama naman sa pulisya at hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba sa naturang lugar.



Comments