top of page
Search
  • BULGAR

Kelot na may epilepsy, natagpuang patay

@Balitang Probinsiya | June 16, 2021


SORSOGON—Isang lalaking may epilepsy ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Layog, Barcelona.


Kinilala ng pulisya ang biktimang si Erwin Briola, 42-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa palayan sa nasabing lugar.

May hinala ang pulisya na sinumpong ng kanyang epilepsy si Briola at dahil may tubig ang palayan ay maaaring nalunod dito ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.


Gayunman ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang matiyak na walang nahanap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page