Kelot na manyakis, nasakote
- BULGAR
- Jun 5, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 5, 2023
SORSOGON—Isang binatang manyakis ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Cawit, Sorsogon City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Justin Derpo, 18-anyos, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at acts of lasciviousness sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang manyakis.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments