Kelot na mananaksak ng policewoman, tiklo
- BULGAR

- Sep 25, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 25, 2020
AKLAN—Isang lalaking nagtangkang sumaksak sa policewoman ang nadakip kamakalawa sa bayan ng Makato.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Sony Sotero, residente ng Bgy. Agcawilan, Lezo, sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ni Patrolwoman April Joy Asejo, nakatalaga sa Makato Police Station si Sotero na walang suot na face mask kaya’t sinita ito ng pulis.
Nabatid na hindi nagustuhan ni Sotero ang pagsita sa kanya kaya naglabas ito ng kutsilyo at tinangkang saksakin si Asejo, pero nakaiwas ang policewoman at naagaw ang patalim dahilan kaya nadakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa mga kasong direct assault, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa community quarantine.



Comments