top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kelot na HVT sa droga arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 26, 2023


SURIGAO DEL SUR—Isang lalaking HVT (high value-target) sa droga ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tubo-Tubo, Cagwait sa lalawigang ito.


Ang suspek ay nakilalang si Rey Jualo, 33, at residente ng nabanggit na barangay.


Napag-alaman na nadakip ang suspek sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba sa naturang lugar.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page