Kelot, na-hit and run ng tricycle
@Balitang Probinsiya | May 1, 2023
AKLAN—Isang 23-anyos na binata ang sugatan nang ma-hit and run ng isang tricycle, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Joevel Rimon, residente ng Bgy. Pagsanghan, Banga sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, naglalakad sa gilid ng kalsada si Rimon nang aksidente itong mabangga ng isang tricycle, pero imbes na tulungan at dalhin sa ospital ay mabilis na tumakas ang suspek na driver.
Nabatid na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo at katawan at agad itong dinala ng mga saksi sa pagamutan.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na driver ng tricycle.



Comments