top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot na gunrunner nasakote

BULGAR
Nov 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 18, 2022


ALBAY—Isang binatang gunrunner ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Victory Village, Legazpi City.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng pulisya.


Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na nagbebenta ng baril ang binata ay agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad, kaya nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng .38 revolver at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page