top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot kritikal sa shotgun

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 28, 2023



ILOILO—Isang 51-anyos na lalaki ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng shotgun ng isang binata kamakalawa sa Bgy. Cubay, Jaro sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Marcelino Sensoro, residente ng nasabing barangay.


Nakilala naman ang suspek na si Alvin Hallares, 18, na tumakas matapos ang pamamaril.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Sensoro at Hallares kaya binaril ng suspek ang biktima.


Ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page