top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot kritikal sa pamamaril

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 30, 2023


PALAWAN — Isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng isang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Maasin, Quezon sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Pedrito Tenafrancia, ng Bgy. Alfonso sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nakasakay sa tricycle si Tenafrancia ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.


Ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page