top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kelot kritikal sa motorsiklo at van

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 22, 2023



AKLAN—Isang 25-anyos na binata ang nasa kritikal na kondisyon nang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo at isang van kamakalawa sa Bgy. Bulwang, Numancia sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Sheldon Apolinario, residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang naglalakad sa gilid ng kalsada si Apolinario ay aksidente itong nabangga ng isang motorsiklo, at nang tumilapon sa gitna ng lansangan ay aksidente rin itong nabangga ng isang van.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito.


Kusang sumuko naman sa pulisya ang rider ng motorsiklo na si Rogien Reyes, samantalang pinaghahanap pa ang tumakas na driver ng van.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page