top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot, kinatay sa dance party

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 26, 2023


ALBAY—Isang lalaki ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa dance party sa Bgy. Alcala, Daraga sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Domingo Seva, samantalang ang suspek ay si Randy Mapa, kapwa nasa hustong gulang, at parehong residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa dance party ay nagkaroon ng pagtatalo sina Seva at Mapa kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima, saka sumuko sa pulisya ang suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page