top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kelot, kinatay ng magsasaka

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 5, 2023



QUEZON—Isang lalaki ang namatay nang pagsasaksakin ng isang magsasaka kamakalawa sa Bgy. Malabanban Sur, Candelaria sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Edward Morata, samantalang ang suspek ay si Elmer Cornia, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Morata at Cornia na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page