Kelot, kinatay ng kuya

@Balitang Probinsiya | December 12, 2020
QUEZON—Isang lalaki ang namatay nang pagtatagain ng kanyang nakatatandang kapatid kamakalawa sa Bgy. Bato, Mauban.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erwin Urgelles, 53-anyos, samantalang ang suspek ay ang kuya nitong si Erdie, 55-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.
Matapos ang pananaga ay kusang sumuko sa mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.



Comments