top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot kinatay ng kaalitan

BULGAR
Nov 30, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 30, 2022


RIZAL—Patay isang lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa San Jose, Rodriguez.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si John Fidel Macaraig, samantalang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin.


Nabatid na habang naglalakad si Macaraig ay sumulpot ang suspek at kinumpronta ang biktima hanggang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa.


Ayon sa mga saksi, habang nagtatalo ang dalawa ay biglang naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima hanggang sa mapatay.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page