Kelot, ibinabandera lagi ang boga, arestado
- BULGAR
- Jul 9, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 9, 2023
ISABELA -- Isang lalaki madalas magpakita ng baril ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Linglingay, Alicia sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, madalas umanong ipakita ng suspek sa kanyang mga kabarangay ang kanyang baril at dahil dito ay ini-report siya ng mga residente sa pulisya.
Matapos makumpirma ang report, ay agad sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ng suspek at dito nakumpiska ang isang kalibre .38 revolver at mga bala.
Kusang sumama ang suspek nang dakpin ng mga awtoridad at sa ngayon ay sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments