top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot, dinedbol sa bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 6, 2023


SORSOGON -- Isang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng isang hindi kilalang salarin kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. San Roque, Sorsogon City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Dennis Lisano, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay,


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Lisano ay biglang pumasok ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Lisano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page