top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kelot dinedbol ng armado

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 26, 2023


LAGUNA—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Market Area, Sta. Rosa City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo na si Dicoroso Masalta, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, may binibili sa isang tindaahan si Masalta nang sumulpot ang salarin at agad binaril sa ulo ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page