Kelot, dinedbol ng 2 armado
- BULGAR
- Jan 13, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 13, 2024
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 51-anyos na lalaki ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. 6, San Carlos City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Weber Mondragon, residente ng Calatrava sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Mondragon ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments