top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Kelot dedbol, utol sugatan sa pananaksak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 8, 2023


ILOILO -- Isang 31-anyos na lalaki ang namatay at sugatan naman ang nakababatang kapatid nito nang saksakin sila ng isang lasing kamakalawa sa Bgy. PD Monfort North, Dumangas sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Salvador Dorador, at sugatan ang kapatid niyang si Christian, 27, samantalang ang suspek ay si Bernard Tapang, nasa hustong gulang at pawang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nagkukuwentuhan ang magkapatid na Dorador sa tapat ng kanilang bahay ay biglang dumating ang lasing na suspek at agad pinagsasaksak sa katawan ang dalawang biktima.


Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek.


Agad dinala ng mga saksi ang magkapatid sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Salvador.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page