Kelot dedbol sa selosong mister
@Balitang Probinsiya | April 4, 2023
ZAMBOANGA CITY—Isang binata ang pinatay sa saksak ng isang selosong mister kamakalawa sa Bgy. Ayala sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Darwis Sakilan, samantalang ang suspek ay si Shedimar Ahalul, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon, nagselos umano si Ahalul nang makita ang kanyang misis na si Dewie na kasabay sa paglalakad si Sakilan kaya agad nitong pinagsasaksak ang biktima.
Nabatid na maging ang pinsan ni Sakilan na si Wilham na nagtangkang umawat ay pinagsasaksak din ng suspek.
Dinala pa ng mga saksi ang magpinsan sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Sakilan, samantalang pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek.



Comments